Kahit may covid-19 vaccination na, Ilang bahagi ng bansa mananatili sa lockdown
- Kate Nicole R. Marquez
- Feb 23, 2021
- 2 min read
Posibleng manatili sa ilalim ng lockdown ang ilang bahagi ng bansa kahit na magsimula ang pamahalaan sa pagpapabakuna ng mga Pilipino laban sa coronavirus, ayon sa Palasyo ng Pangulo.
Nakasalalay ang pagpapagaan ng quarantine sa mga tagubilin ng mga may awtoridad sa kalusugan, inihayag ni Karlo Alexei Nograles, Kalihim ng Gabinete, sa mga reporter sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meetings noong Miyerkules.
Ayon pa sa kalihim, hindi agad magiging maluwag ang mga quarantine kapag inilunsad na ang pagpapabakuna sa mga Pilipino.
“Kapag ang mga bakuna ay magkakabisa at bumagsak ang mga kaso, isasaalang-alang namin ang pagpapagaan ng mga quarantine," ani Nograles.
Inaasahan na makatatanggap ang Pilipinas ng mahigit sa 100,000 dosis ng mga bakuna laban sa COVID-19 mula sa Pfizer, Inc. sa kwarter na ito sa ilalim ng ‘global initiative for equal access.’ Ibibigay ang mga ito sa halos 56,000 na mga frontliner sa sector ng kalusugan.
Nasa humigit-kumulang 9.2 milyong dosis ng mga bakuna ang binuo ng AstraZeneca Plc na inaasahang darating din sa unang kalahati ng taon.
Inilagay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ngayong buwan ang Cordillera Administratibong Rehiyon (CAR) sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Kabilang dito ang Metro Manila at iba pang mga lungsod na may mataas na bilang ng mga impeksyon ng coronavirus matapos na makita ang isang bagong uri ng coronavirus doon.
Samantala, maluwag na ang lockdown sa maraming bahagi ng bansa.
Nauna nang hinimok ng mga alkalde ng Metro Manila ang pamahalaan na panatilihin ang rehiyon sa ilalim ng GCQ lockdown kahit na maibigay ang unang pangkat ng mga bakuna, saad ni Navotas Mayor Tobias M. Tiangco nitong linggo.
Inaprubahan at pinagtibay ng pamahalaan ang Philippine National Deployment and Vaccination Plan laban sa COVID-19 at nakatakda ngayong ipatupad sa buong bansa ang kampanya sa pagbabakuna upang labanan ang coronavirus.
"All implementing agencies of the National Task Force Against COVID-19, all Regional and Local COVID-19 Task Forces, and all Regional and Local COVID-19 Vaccination Operations Centers, Local Task Forces and Local COVID-19 Vaccination Operations Centers are hereby mandated to implement and adopt the said plan," kamakailang talang babasahin ng National Task Force laban sa COVID-19.
Inutusan din ang Regional and Local COVID-19 Vaccination Operations Centers na bumuo ng kanilang sariling pag-deploy at pagbabakuna ng mga macro at microplans batay sa mga template na ipinakalat ng Kagawaran ng Kalusugan.
Naglabas ng isang kopya ng isang memorandum noong Enero 26 ang NTF COVID-19 noong Sabado sa approved Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 95.
Nilagdaan ang nasabing memorandum nina NTF COVID-19 chairperson at Defense Secretary Delfin Lorenzana, Vice Chairman at Interior Secretary Eduardo Año, at Chief Implementer na si Carlito Galvez Jr.
Commentaires