top of page

Parating na bakuna pinagdududahan ng karamihan

  • Jucille Kate B. Delos Santos
  • Feb 23, 2021
  • 1 min read

Ipinakita ng isang sarbey na isinagawa ng Pulse Asia na halos kalahati ng Pilipino ang ayaw magpabakuna dahil sa posibleng idulot nito sa kalusugan.


Ilang linggo na lamang ay darating na sa bansa ang bakunang panlaban sa COVID-19 na sanhi ng halos isang taong lockdown, kung saan inaasahang 50 milyon hanggang 70 milyong Pilipino ang mababakunahan sa 2021.


Pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang sa pagsasagawa nito sa ilang rehiyon at lungsod.


Unang makatatanggap nito ay ang mga healthcare professional, mga taong mahihirapang makakuha ng bakuna tulad ng indigenous people, mga nakatatanda, bata, at buntis.


Subalit sa panahon ng pandemya ay laganap ang mali-maling impormasyon ukol dito at sa parating na bakuna.


Malaking bahagi ng populasyon ang nag-aalangang magpabakuna dahil sa sinasabing side effects nito.


Isa sa mga ito ay nakakabuntis daw ang bakuna ngunit sagot ni Health Secretary Francisco Duque III ay walang pagsasaliksik ang nakapagpapatunay na maaari itong mangyari.


Tinatalakay din sa social media na minadali ito kaya ang kalidad ay kaduda-duda.


Wika naman ni dating Health Secretary Esperanza Cabral sa isang briefing sa Malacañang noong ika-4 ng Pebrero, "I think that our health care providers should be playing a major role in the information campaign because they are the ones most trusted by people when they deliver health information.”


Pinapatnubayan ang publiko na magbasa, manuod ng balita, at makinig sa mga tao o organisasyong tiyak na mapagkakatiwalaan upang mabawasan ang patuloy na pagkalat ng mga fake news ukol sa bakuna at virus.


Recent Posts

See All

Comments


bottom of page